12

Mar 31, 2021 @ 16:27
By

Mga ospital sa Valenzuela puno na – alkalde

Lahat ng mga pampubliko at pribadong ospital sa Lungsod ng Valenzuela ay punong-puno na, ayon kay Mayor Rex Gatchalian.

Tumugon ang alkalde sa tweet ng isang netizen na humihiling na matulungan ng mayor na ma-admit ang isang residente sa ospital dahil “kagabi pa po sya nasa ambulansya.”

“Sir, lahat po ng hospital ay punong-puno. Sa totoo lang, may wait list po kami na matagal na nag-aantay. Days na mga eto nag-aantay,” sagot ni Gatchalian, Marso 31.

“Sir the ambulance na may hawak sa kanila will try their best to locate a hospital. Pero sir, as in the news, all hospitals are full. Kahit ako mismo nahihirapan na maghanap ng hospitals,” punto niya pa.

Gayunman, napaulat na tiniyak ng Valenzuela mayor na “kinakaya” naman ng lokal na gobyerno at “very helpful” naman ang mga ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?