9

Oct 7, 2021 @ 17:02
By

Mga ospital di na papasaklolo sa military doctors – Lorenzana

Hindi na kailangan ng ilang ospital sa bansa ng alalay mula sa mga military doctor dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nitong Miyerkoles.

“Nag-cancel na ang St. Luke’s dahil bumaba na ang kanilang kaso sa kanilang hospital. Initially may request sila na one doctor at five nurses pero ayaw na nila tanggapin ‘yon,” wika ni Lorenzana sa briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Ang San Juan de Dios, nag-cancel na rin ng pangangailangan,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, sinabi rin ng opisyal na dahdan-dahan nang bumababa ang mga transaksyong natatanggap ng One Hospital Command Center na may kinalaman sa COVID-19.

Aniya, patunay ito ng pagababa ng bilang ng mga nasasapol ng nakamamatay na virus sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?