ABANTE motorcycle paramedics ph
By

Mga ospital dapat magkaroon ng motorcycle paramedics

Sharing is caring!

Dahil daw sa matinding traffic, maraming buhay ang nalalagay sa panganib dahil hindi agad maka-responde ang mga ambulansya.

Kaya naman naisip na solusyon dito ni BUHAY partylist Rep. Mariano Michael Velarde Jr. ang pagkakaroon ng motorcycle paramedics ng lahat ng ospital na magsisilbing front-line medical responders dahil makakasingit ito sa traffic.

Sa inihaing House Bill 6739 ni Velarde na tinatalakay na ng House committee on health, sinabi nitong dapat ay may kasanayan sa pagliligtas ng buhay ang emergency paramedic.

Inaatasan naman ang Department of Health (DOH) kasama ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang non-government organizations (NGOs), gaya ng Philippine National Red Cross, na magbigay ng curriculum para sa training at certification ng Motorcycle Medical First Responder.

Ayon kay Velarde, hindi lang sa highly urban areas may pakinabang ang motorcycle paramedics kundi maging sa rural areas sa buong bansa dahil kaya nitong sumuong sa malubak na mga kalsada. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?