81

Nov 2, 2017 @ 18:09

Mga opisyal ng SSS, i-lifestyle check – Zarate

Dapat magkaroon ng assets at investments audit gayundin ng lifestyle check sa lahat ng Board members at iba pang opisyal ng Social Security System (SSS).

Ito’y kasunod nang nabulgar na umano’y profiteering ng 4 na SSS executives.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, dapat ipaalala sa mga opisyal na itinalaga sila sa ahensya para pagsilbihan ang mga miyembro at hindi para magpayaman.

“They are not there to become rich but to share their supposed skills and talents to the people,” sabi ni Zarate.

Kung tutuusin anya ay napakalaki na ng sahod at bonuses ng mga ito kumpara sa ibang government owned and controlled corporations (GOCCs).

“Milyon-milyon na nga mga sahod at bonuses nila tapos ganito pa ang gagawin saka sasabihin na dapat itaas ang kontribusyon ng mga miyembro, aba mahiya naman sila at harapin ang ginawa nilang kasalanan,” diin ng kongresista.

Nauna nang hiniling ni Zarate na suspendihin at i-freeze ang lahat ng bank at financial accounts nina SSS Executive Vice President (EVP) for Investments Rizaldy Capulong, VP for Equities Investment Division Reginald Candelaria, Equities Product Development head Ernesto Francisco Jr, at Actuarial and Risk Management Division chief George Ongkeko Jr. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?