53

By

Mga opisyal ng NCRPO, binalasa

Sharing is caring!

Ikinasa ang balasahan sa hanay ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sa kautusan na inilabas ni NCRPO Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, epektibo mula ngayon araw, manunungkulan na bilang Eastern Police District Director si Chief Supt Alfredo Corpuz na dating nakatalaga bilang Deputy Director ng Directorate for Intelligence sa National Headquarters.

Si Corpuz ay papalit kay Chief Supt. Reynaldo biay na hahalili naman kay Corpuz bilang bilang Deputy Director ng Directorate for Intelligence sa National Headquarters.

Habang may bago na ring acting director ang Northern Police District sa katauhan ni Chief Supt Gregorio Lim ng Deputy Regional Director for Operations.

Papalit naman kay Lim bilang Deputy Regional Director for operations ang dating Northern Police District Director Chief Supt Amado Clifton Empiso.

Inilabas mismo ni Chief Supt. Arnel Escobal acting regional chief directorial staff ng NCRPO na inaprubahan naman ni Chief Supt. Eleazar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?