55

Jul 30, 2018 @ 17:09
By

Mga opisyal ng DOLE, suportado si Bello

Nagpahayag ng suporta ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) kay Secretary Silvestre Bello III na nahaharap sa mga kontrobersiya.

Ito ay sa limang pahinang “manifesto of support” na pirmado ng mga opisyal ng DOLE.

Kasama sa mga lumagda sa manifesto sina DOLE Undersecretaries Joel Maglunsod, Claro Arellano, Ciriaco Lagunzad, Renato Ebarle at Assistant Secretary Alex Avila.

Pumirma rin ang mga opisyal mula sa mga attached agency ng DOLE gaya ng Bureau of Working Conditions, Occupational Safety and Health Center, Philippine Overseas Employment Administration, Professional Regulation Commission, National Labor Relations Commission at Overseas Workers Welfare Administration.

“We have faith in his commitment to serve the public pursuant to the mandate of the Department.

“We lend full credence in his leadership and integrity despite malicious imputations against his person and honor,” bahagi ng nilalaman ng manifesto.

Kabilang sa mga isyung ipinupukol laban kay Bello ay ang pagtanggap umano niya ng pera at mamahaling cellphone mula sa isang may-ari ng recruitment agency.

Pinabulaanan naman ni Bello ang paratang laban sa kanya dahil hindi raw niya kailanman naging gawain ang tumanggap ng suhol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?