38

Feb 26, 2020 @ 18:01
By

Mga opisyal ng DILG, DA, iba pa, kinausap ni Duterte sa ASF

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Department of Agriculture, Department of Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na opisyal sa Malacañang kaugnay sa isyu ng African Swine Fever.

Hindi kasama sa official schedule ng Pangulo nitong Martes ang pulong nito sa mga local official.

Wala namang maibigay na detalye si Presidential Spokesman Salvador Panelo kung ano ang naging resulta ng pulong ng Presidente sa mga lokal na opisyal.

Ang African Swine Fever ay unang nakita sa ilang lalawigan sa Luzon kung saan libo-libong mga alagang baboy ang naapektuhan ng nabanggit na sakit.

Batay sa monitor ng ng D.A., kumalat na ang ASF sa Mindanao kung kaya’t naglabas ng direktiba ang gobyerno na higpitan ang pagbabantay sa mga alagang hayop na may sintomas nito, pati na ang pagbiyahe ng mga karne ng baboy na hinihinalang kontaminado nito.

Bagamat sinasabing walang epekto sa tao ang ASF, nais pa rin ng Palasyo na gawin ang mahigpit na pagbabantay para hindi na kumalat pa ang ASF sa iba pang panig ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?