499
barangay-hall
Dec 3, 2019 @ 16:21
By

Mga opisyal ng barangay may P3K Christmas bonus

Pagkakalooban ng Office of the President ng P3,000 Christmas incentive o buns ang mga opisyal ng barangay, mga Sangguniang Kabataan (SK) chairperson at Indigenous People’s Mandatory Representatives (IPMR) bilang pagkilala sa kanilang pagseserbisyo sa kanilang komunidad.

“Sinuggest ko po ‘yan kay Pangulong Duterte para mapasaya ang ating mga barangay officials na walang sawang nagseserbisyo sa kanilang mga komunidad,” sabi ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

“Gumagawa po kami ng paraan ni Pangulong Duterte na mabigyan man lang kayo ng Christmas incentives o anuman po na pwede ninyong magamit ngayong pasko para po sa mga elected barangay officials,” dagdag nito.

Subalit kailangan muna aniyang maisatabas ang Senate Bill (SB) No. 391 o “Barangay Services Compensation Act” na ngayon ay nakabinbin sa Senate Committee on Local Government.

Panahon na aniya para kilalanin ang ‘hard work’ at ‘effort’ ng mga opisyal ng barangay kaya’t nararapat lang na mabigyan ng dagdag na insentibo.

“Our barangays are not on autopilot. They are manned by these hard-working and dedicated individuals who, despite their seemingly thankless job, are committed to ensuring that our barangays serve the purpose they are intended for,” sabi ni Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?