33

By

Mga opisyal na nasa narco-list mas gustong kasuhan ng PDEA chief

Sharing is caring!

Kung tatanungin, mas gusto umano ni PDEA Director General Aaron Aquino na kasuhan na lang ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa droga sa halip na isapubliko ang kanilang pangalan.

“Personally ako, ayaw ko. Sana wala nang magbigay sa akin ng utos na ilabas kasi I want to work silently. I just want to file charges against these narco-politicians,” sabi ni Aquino.

Aniya sa ngayon ay ‘nililinis’ nila ang listahan at may mga pangalan na maaaring maalis.

Ibinahagi nito na mula sa 93 pangalan ay 83 na lang ito dahil apat ang naaresto, may apat din na iniimbestigahan sa kasong homicide at may dalawa na namatay na.

Sinabi pa ng opisyal na maaaring lima, apat na mayor at isang mayor, ang maalis sa listahan.

Reaksyon ito ni Aquino sa nais ni ni Interior Sec. Eduardo Año na ilabas ng PDEA ang ‘narco-list’ at gusto din nito na hindi payagan na makatakbo sa 2019 midterm election ang mga narco-politician.

Katuwiran nito, kapag inilabas ang listahan ay maaaring magkagulo tulad ng nangyari sa ginanap na barangay election.

Dagdag pa ni Aquino, sa ngayon ay alam naman ng mga botante kung ang kanilang mga opisyal o ang mga kandidato sa kanilang lugar ay sabit sa droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?