45
ofws
Dec 21, 2017 @ 20:44
By

Mga OFWs sa HK, binentahan ng pekeng plane ticket

Malabo nang maipagdiwang ng daan-daang OFWs sa Hong Kong, karamihan mga domestic workers, dito sa Pilipinas ang Pasko matapos sila ay mapagbentahan ng ‘invalid plane tickets.’

Hanggang kahapon ang tanging naipangako ng Philippine Consulate Office sa Hong Kong ay ang posibleng mga administratibong aksyon laban sa Peya Travel, ang ahensiya na diumano’y nagbenta ng mga tiket ng eroplano.

Samantala, ang Cebu Pacific naman ay nagsabi na puno na ang kanilang mga biyahe mula Hong Kong patungong Clark, Pampanga; Manila, Cebu, Iloilo at Aklan.

Ayon kay Charo Lagamon, ang tagapagsalita ng CebuPac, ang tanging may bakante pa na mga upuan sa kanilang biyahe ay sa gabi pa ng Disyembre 25.

Gayunman, sinabi pa nito na tinitingnan pa rin nila ang posibilidad na magawaan ng paraan na madagdagan ang kapasidad ng kanilang mga biyahe para makapag-uwi ng OFWs.

Aniya maaring magtungo ang OFWs na nais magbasakali sa kanilang opisina sa Kowloon, Hong Kong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?