36

Aug 22, 2020 @ 16:01
By

Mga OFW lugi sa sweldo dahil sa wikang Ingles

Kinwento ng isang journalist kung papaanong hindi pantay ang sweldo ng mga overseas Filipino worker (OFW) kumpara sa ibang lahi dahil lang hindi primary language ng Pilipinas ang wikang Ingles.

Sa usapan sa Twitter ng dalawang journalist na sina Regine Cabato at Krixia Subingsubing, napagkwentuhan nila kung bakit pa kailangang kumuha ng Test of English as a Foreign Language (TOEFL) at International English Language Testing System (IELTS) ang mga balak magtrabaho abroad.

Ito’y matapos kilalanin ng isang Oxford English editor ang Philippine English bilang isa sa variety ng wikang Ingles.

Ayon kay Krixia, magastos ang pagkuha ng naturang test para sa mga OFW na maging requirement kahit pa fluent na ang mga ito sa English.

Saad naman ni Regine, may kilala siyang OFW na mas maliit ang sweldo kumpara sa mga Amerikano, Australyano at taga-United Kingdom dahil lang hindi native language ang English sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?