6

May 3, 2021 @ 16:30
By

Mga OFW hinimok pabakuna sa ibang bansa

Hinikayat ng Malacañang ang mga OFW na magpabakuna na sa bansang pinagtatrabahuhan ng mga ito kung available ito.

“Ineengganyo po natin ang ating mga OFW na magpabakuna rin po kung nasaan man sila kasi ang alam ko po ang pagbabakuna naman ay sinasakop ang lahat ‘no,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“We are not safe until everyone is safe ‘no, that is the motto worldwide,” dagdag niya.

Sa ngayon ay mayroon pa lamang 3,540,600 dose ng supply ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?