3

By

Mga OFW hindi pa makabalik sa Kuwait

Sharing is caring!

Hindi pa nakababalik sa Kuwait ang mga Filipinong manggagawa bagaman isang linggo na mula nu’ng binawi ni Pangulong Duterte ang deployment ban o pagbabawal sa pagpapadala roon ng mga manggagawa.

Sa pagdinig ng Senate committee on labor, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na nagkaproblema ang skilled workers noong umiral ang deployment ban.

Mayroong napaso ang working visa, maging ang medical certificate.

Hindi umano naging madali ang pagkuha ng medical certificate dahil binabayaran ng 3,000 kaya naman hinihiling nilang tumulong ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Inalis ang deployment ban matapos lumagda ang Pilipinas at Kuwait sa Memorandum of Understanding (MOU) na ukol sa proteksyon ng mga Filipinong manggagawa roon.

Samantala, sinabi ni Bello na maaari nang magsimula sa pagbalik sa Kuwait ang mga domestic service worker o kasambahay.

Matatapos na umano sa susunod na linggo ang bagong guidelines na ibabatay sa MOU upang matiyak ang proteksyon ng mga FIlipinong magtatrabaho bilang domestic worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?