25

Jun 18, 2021 @ 10:26
By

Mga OFW bawal muna bumiyahe sa Oman

Suspendido ang deployment ng mga overseas Filipino worker (OFW) patungong Oman, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ito’y bilang pagsunod sa rekumendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ideklara ang suspensyon ng deployment sa naturang bansa.

Kasunod ito ng pagsama ng Oman sa Pilipinas sa mga bansang inilagay nila sa travel ban.

“Noong isang araw, noong nagkaroon ng emergency meeting ang governing board ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), we decided to follow the recommendation of the DFA and we declared a temporary suspension, hindi naman ban, kundi temporary suspension of deployment ng mga mga OFWs sa Oman,” ayon kay Bello sa panayam ng TeleRadyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?