33

Jun 19, 2020 @ 13:21
By

Mga obrero doble kayod: Bigating proyekto ng DPWH abot pa sa deadline

Tuluy-tuloy umano ang konstruksiyon ng lahat ng mga pangunahing proyekto ng Department of Public Works and Highways kahit pa humahagupit ang coronavirus sa bansa.

Tiniyak kasi ng kalihim ng ahensiya na si Mark Villar ngayong Biyernes na kahit may ilang proyektong hininto dahil sa COVID-19 lockdown, “double time” at 24/7 naman kung magtrabaho ang mga manggagawa nila.

Mahigpit naman aniya ang pagpapatupad nila ng health protocol sa mga construction site.

“Dahil nakapagsimula kami ulit, hindi magiging malaki ang delay natin,” ani Villar sa Laging Handa briefing. “Kaya sa tingin ko naman sa ating mga big ticket projects, makakahabol pa rin kami sa deadline.”

Target ng DPWH na tapusin na ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.

Una na ring sinabi ni Villar na maglalagay sila ng mga bike lane sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, tulad ng EDSA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?