175

By

Mga obispo kay Duterte: Itigil ang paninira sa mga pari

Sharing is caring!

Bunsod ng tatlong magkakasunod na pagpatay sa mga paring Katoliko sa nakalipas na mga buwan, matapang na nananawagan ngayon ang ilang obispo at mga pari kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang pagbitiw ng mapanirang salita laban sa Simbahang Katoliko.

Sa isang pahayag na pirmado ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Bayombong Bishop-Elect Jose Elmer Mangalinao at ng sampung pari, kanilang inihayag na ang mga pag-atake ni Pangulong Duterte sa simbahan ay maaring maging dahilan ng nagaganap na mga krimen laban sa mga pari.

“Let us implore the grace of God to touch the heart of the President of the Philippines to stop the verbal persecution of the Catholic Church because such attacks can unwittingly embolden more crimes against priests,” ang bahagi ng kanilang pahayag.

Kasabay nito, itinakda rin ng Archdiocese ng Lingayen-Dagupan ang June 18, na ika-siyam na araw ng pagkamatay ni Father Richmond Nilo, bilang Day of Reparation.

Kaugnay nito, ang lahat umano ng misa sa kanilang hurisdiksyon ay iaalay bilang paghingi ng tawad sa mga naganap na payatan at pag-atake laban sa mga pari at obispo.

Ang mga paring mangunguna sa misa ay magsusuot ng kulay violet.

Ang June 18 ay magiging araw din umano ng pag-aayuno para sa mga pari at iba pang alagad ng Simbahan.

Pagsapit naman ng ala sais ng gabi sa nasabing petsa, ang lahat ng mga simbahan sa Archdiocese ng Lingayen-Dagupan ay magpapatunog ng kampana para gunitain ang oras ng pagpatay kay Father Nilo.

Nanindigan din ang mga nasabing opisyal ng Simbahang Katoliko na sa kabila ng pag-atake sa kanilang hanay, hindi sila natatakot at sila ay nakahandang lumaban para sa karangalan ng Panginoon.

“We are not afraid. We trust in the Lord. We are ready to battle for God’s honor. They want to bury us priests. But they forget that we priests are seeds. When you bury us, we will grow more and flourish. You cannot stop the Gospel from growing. You cannot stop God from being God,” ang nakasaad sa statement.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?