83

Apr 12, 2020 @ 15:29
By

Mga nurse na graduate ng State U, dapat magtrabaho muna sa ‘Pinas – Sotto

Aprub si Senador Vicente Sotto III sa tingin ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na hindi dapat pigilan ang mga healthcare worker, partikular ang mga nurse, na magtrabaho sa ibang bansa.

Ngunit ibang kaso ito kapag ang isang manggagawa ay nagmula sa state college and university.

Tugon ni Sotto sa tweet ni Locsin, dapat ay mamalagi ng dalawang taon ang isang SUC graduate sa Pilipinas para dito magtrabaho.

“All graduates from State Universities and Colleges should at least stay here to help and serve for at least two years from their graduation,” saad ng Senate President.

Tugon naman ng mga netizen, matagal na umanong pinapatupad ang nasabing suhestiyon ni Sotto, na ang iba ay umaabot ng tatlong taon sa Pilipinas bago makapag-serbisyo sa ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?