70

Feb 19, 2020 @ 19:52

Mga numero nina Thirdy, Mike, Matt niretiro ng Ateneo

Pagkilala ang pabaon ng Ateneo de Manila Grade School kina Thirdy Ravena at kambal na Mike at Matt Nieto nang iretiro ang kanilang jersey number 7, 12 at 0.

Sa Ateneo Grade School Covered court ginanap ang nasabing parangal sa mga Ateneo cager.

Kasabay nito’y in-inspire naman ng tatlong atleta ang kanilang schoolmates na nag-aasam na maging tulad nila.

“I was a student-athlete and I’ve also failed in being a student and being an athlete. I didn’t let that define who I am and I just continued to move forward,” pahayag ni Ravena.

Nagbigay naman ng payo ang kambal na Nieto. Bukod anila sa pagba-basketball ay kailangang bigyang oras din ang pag-aaral dahil ito ang mas magdadala sa tunay na tagumpay.

“You really have to be a student first. Sports is there for a short time but if you get a degree, you’re gonna go a long way in life,” pahayag ni Matt.

“Hindi kami perpekto, lalo na ako. Hindi talaga ako gifted… dahil na rin sa determination namin, umabot kaming lahat sa ganyan,” saad naman Mike.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?