92

May 2, 2019 @ 11:40
By

Mga NHA official kakasuhan sa low-class housing para sa mga Yolanda, Zamboanga siege victim

Magrerekumenda ang Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement ng kaso sa mga sangkot sa substandard na pabahay para sa mga nabiktima ng Typhoon Yolanda at Zamboanga siege.

Ayon kay Senador JV Ejercito sa kanyang pagdalo sa Labor Day celebration sa Zamboanga, kanilang papanagutin ang mga National Housing Authority (NFA) official at mga firm na direktang sangkot sa low-class na pabahay para sa mga nasalanta ng bagyo at giyera.

“We just finished the committee reports kasi marami yun. We will recommend the filing of charges against National Housing Authority officials and the developers,” saad ng mambabatas.

Nagsimula ang imbestigasyon matapos makatanggap ng reklamo sa mga substandard na pabahay para sa mga nakatanggap nito.

Bukod pa sa mababang kalidad ay kanila ring sinuri ang mabagal na pagbibigay ng pabahay at kakulangan sa pasilidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?