723

Jan 2, 2020 @ 13:26

Mga netizen umalma: James, Nadine hindi nag-break!

Patuloy ang pagkalap ng mga ebidensya ng mga Jadine fan para patunayang hindi totoo ang rumored break-up nina James Reid at Nadine Lustre.

Ito’y tugon sa artikulo ng isang online showbiz portal kung saan sinabing split na ang dalawa at umalis na umano ng bahay ni James si Nadine.

Sa Twitter, nagpakita ng mga larawan ang iba’t ibang netizen noong New Year’s Eve kung saan magkasama sina James at Nadine para ipagdiwang ito.

Sey ng mga netizen, ebidensya ito na walang katotohanan ang paghihiwalay ng dalawa.

Sa isang tweet pa ng ABS-CBN entertainment journalist na si MJ Felipe noong New Year’s Eve, sinabi ni James na kasama niya si Nadine sa pagdidiwang ng NYE sa Rockwell Makati.

Nakapanayam naman na noong Agosto nang nakaraang taon si Nadine para pabulaanan ang mga rumor na hiwalay na sila ni James, ngunit matapos ang bagong report ay wala pang pahayag ang dalawang Kapamilya star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?