169

Sep 30, 2019 @ 12:33
By

Mga netizen todo-suporta sa mga tsuper, kumontra sa jeepney phaseout

Nakisuporta ang mga netizen sa laban ng mga tsuper na nagkilos-protesta ngayong Lunes, Setyembre 30, 2019, upang tutulan ang tinatawag nilang pekeng modernization program ng mga public utility vehicle (PUV), maging ang planong jeepney phaseout sa Hulyo 2020.

Nagkasa ngayon ng “National Transport Strike” ang mga transport group na Alliance of Concerned Transport Organizations, Stop and Go Coalitions, Central Luzon Transport Group, at Pinag-isang Samahan Ng Mga Tsuper at Opereytor Nationwide.

Tingin ng mga grupo, peke ang programa ng Land Transportation and Franchising Board (LTFRB) dahil hindi umano nito tunay na matutulungang umunlad ang buhay ng mga tsuper.

Sa ilalim ng PUV Modernization Program na inisyu ng LTFRB noong Hunyo 2017, papalitan ng mga e-jeepneys ang mga dyip na edad 15 pataas para umano “mas ligtas at komportable” ang mga mananakay.

P80,000 lang ang ibibigay na subsidy sa mga may-ari ng lumang dyip upang bumili ng mga bagong unit na nagkakahalagang P1.6 milyon kada isa.

Samantala, kontra sa protesta ang Metro Manila Development Authority.

“Nakita niyo naman, bawat local government unit either nagsuspend ng trabaho o klase. Hindi naman natin hahayaan na maging matagumpay ‘yan,” ani tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago.

Bagama’t ganito ang pagtuligsa ng ahensya sa protesta ng mga tsuper, sinuportahan naman sila ng netizens.

Top 1 trending as of 11:57 ngayong Lunes ng umaga ang #NoToJeepneyPhaseout.

Nakiisa ang netizens at sinabing mahalaga ang mga dyip at tsuper sa araw-araw na buhay ng mga Pinoy.

“I hope schools will inform the students the importance of this transport strike. It’s Not a matter of one opinion over the other. It is a matter of life/living of our Filipino jeepney drivers & their families. #NoToJeepneyPhaseout,” ani @tina_devilla.

“This strike IS NOT about class suspension. This is about our SOLIDARITY with those who have always been unheard, whose voices need to be amplified. Tungkol ito sa sipag at tiyaga na LAGING NAUUWI SA WALA. Stand w/ compassion & justice. Stand with us. #NoToJeepneyPhaseout,” sey ni @hyabendana.

“I stand with the masses of the country that stand their ground against inequity. Yes, we want modernization and cleaner vehicles. But no, it shouldn’t come at the expense of the drivers. #NoToJeepneyPhaseout #TransportStrike,” sambit naman ni @andymancy.

“Not kpop related. But govt in PH really sucks. They are abandoning its people. First our farmers then now our jeepney drivers. Mas marangal pa nga trabaho nila kesa sa gobyerno eh. #NoToJeepneyPhaseout,” sabi ni @urisjuju0404.

“You know why it’s hard for offices to declare work holidays in line of transport strikes? You know why it’s hard for them to understand what these drivers/operators are fighting for? YUNG NAGDEDECLARE HINDI NAMAN COMMUTER #NoToJeepneyPhaseout,” ayon naman kay @kkkitpabiona.

“Our inconvenience to commute today is nothing compared to the grave losses to be incurred by thousands of jeepney drivers and operators if this Jeepney Phaseout is set into motion. #NoToJeepneyPhaseout,” hayag ni @wassupandrei.

Binuhay ding muli ng iba pang netizens ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang pakialam kung maghirap at magutom ang mga tsuper, basta’t maituloy ang PUV modernization program.

Sinabi ito ni Duterte noong Oktubre 2017 at kuha ang video ng Radio Television Malacañang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?