408

Nov 17, 2021 @ 15:07
By

Mga netizen piyesta sa blind item ni Xian Gaza

Hindi lamang “pambansang talong” kundi binansagan na ring totoong “Marites” ang social media influencer na si Xian Gaza.

Ito ay matapos pagpiyestahan ng mga netizen nitong Miyerkoles ang pa-blind item ni Xian na nagdulot ng mga espekulasyon na may third party sa hiwalayang Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich.

Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Xian ang blind item kung saan sinabi niyang isang male influencer ang nahuli sa akto ng kanyang influencer girlfriend habang may kasamang babae sa isang hotel sa Parañaque.

“SINETCH ITEY NA ISANG SIKAT NA INFLUENCER ANG NA-CAUGHT IN THE ACT NG KANYANG NOBYA MATAPOS MAG-NOTIFY SA NAIWANG IPAD ANG ISANG REAL-TIME GRAB BOOKING PAPUNTA SA ISANG MALAKING HOTEL SA PARAÑAQUE?!” sey ni Xian.

Dagdag ni Xian, nahuli raw ng babae ang lalaki habang kayakap sa kama ang isang Star Magic artist.

“ANG KANYANG NOBYA AY AGAD-AGAD DUMIRETSO SA NASABING HOTEL… AT DAHIL VERY FAMOUS INFLUENCER COUPLE SILA SA ATING BANSA WITH OVER 10 MILLION FOLLOWERS, NAKA-SECURE NG KEY CARD SI NOBYA MATAPOS NIYANG CHIKA-CHIKAHIN ANG MGA TAO SA FRONT DESK. AFTER MAGPA-PICTURE SA KANYA NG MGA HOTEL STAFF, AGAD-AGAD SIYANG KUMARIPAS PAAKYAT NG KWARTO AT PAGBUKAS NIYA NG PINTO EH LAKING GULAT NIYA NANG KANYANG MAKITA SA KAMA ANG ISANG STAR MAGIC ARTIST NA KAYAKAP NG KANYANG JOWA! OMG NAKAKALOKA MAAARSSS!!! HINDI KO KINAYA MYGAAAHD! SINETCH ITEY??” patuloy ni Xian.

Hinala ng mga netizen, ang tinutukoy ni Xian na influencer couple ay sina Wil at Alodia.

Sa isa pang post, nag-good night si Xian sa lahat ngunit hindi raw kasama si Kapamilya actress Barbie Imperial, na nagpagatong naman sa mga haka-haka na ang aktres ang dahilan ng break up ng influencer couple.

“Good night po sa lahat except kay Barbie Imperial,” ani Xian.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?