248

Mar 21, 2020 @ 14:24
By

Mga netizen patalbugan sa COVID-19 ‘home quarantine pass’

Binida ng madla ang “home quarantine pass” sa kani-kanilang mga lugar, sa kasagsagan ng lockdown sa buong Luzon dahil sa COVID-19 crisis.

Ang home quarantine pass ang nagpapahintuloy sa isang tao kada tahanan na lumabas para bumili ng mga pagkain at kakailanganing gamit sa gitna ng lockdown.

Sa isang ulat, naipakita ang home quarantine pass sa Barangay Poblacion sa Pulilan, Bulacan, na nilagay sa isang scented paper.

Bumaha naman ang mga komento ng iba pang home quarantine pass: may pink ang kulay, may nakalakip pa ang mukha at buong listahan ng kanilang politiko, at may halatang tinipid o minadali ang pagkakagupit.

“Well, fenk lang naman samin ?,” sey ni Aika Manalo.

“wag kayong anu.. sa amin nga mabilisan tlga kaya d naayos ung pag gunting. ? panlaban ko nlng dryseal namin.?,” wika ni Yssis Yssis.

“May gate kami, bakit ba. ? Mayaman bayan namin, napalilibutan ng gate. ?,” sambit ni Joan Domalaon.

“samen.. isang buong bond paper….kung ano dapat ang mahalagang nakasulat.. wala.. juskolord,” himutok ni Mhyra Mendoza.

“Ganito samen. Isang quarantine pass, limang magkakapitbahay ang nakalista. So pag may lalabas, maghihiraman pa ng quarantine pass. Edi wow! ?,” kwento ni Maida Mones.

Magtatagal hanggang Abril 13 ang lockdown sa Luzon bilang pag-iingat sa coronavirus disease 2019.

Hanggang nitong Marso 20, 230 na ang nahawa, walo ang gumaling at 18 ang pumanaw mula sa COVID-19 sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?