335

Feb 1, 2021 @ 15:08
By

Mga netizen palakpakan kay Tyang Amy Perez

Trending online ang TV host na si Amy Perez sa naging panayam niya kay Land Transportation Office (LTO) Director Atty. Clarence Guinto tungkol sa Car Seat Law o Child Safety in Motor Vehicle Act na ipatutupad na bukas, Pebrero 2.

Sa ilalim ng nasabing batas, ipinagbabawal na ang pag-upo ng 12-anyos pababa sa front seat ng sasakyan at sa halip, pauupuin ang mga ito sa baby seat o booster seat para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Tanong ni Tyang Amy, papaano kung ang 12-anyos ay sobrang tangkad at lalagyan ng booster.

“Aangat at tatama ang ulo sa kotse. Hindi po ba mas delikado ‘yun?” ani Tyang Amy kay Guinto.

Tugon ni Guinto: “Siguro Ma’am Amy, laki-lakihan mo sasakyan mo.”

Reply ni Tyang Amy: “Ay wala po akong ganoon. Ang pinag-uusapan po natin dito Director Guinto ay karamihan po sa ating mga Kapamilya, na kailangan din po nating i-consider po yoon.”

Dahil dito, palakpak ang mga netizen sa walang pag-aalinlangang pagtatanong ng TV host.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?