896
Mga netizen pabor sa parusa ni Abueva
Jun 4, 2019 @ 21:48
By

Mga netizen pabor sa parusa ni Abueva

Sinang-ayunan ng mga netizen ang naging kaparusahang pinataw ng Philippine Basketball Association sa sobrang pasaway na si Calvin Abueva ng Phoenix Fuel Masters, ang P70,000 multa at indefinite suspension.

Binaba Martes ni PBA Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial ang hatol sa basketbolista na nasangkot pambabastos sa dyowa ni Bobby Ray Parks, Jr. ng Blackwater nitong Biyernes sa Mall of Asia sa Pasay at clothesline kay TNT KaTropa import Terrence Jones Linggo sa Ynares Center sa Antipolo sa magkahiwalay na laro ng Fuel Masters sa Commissioner’s Cup eliminations.

“Para sa akin tama lang ginawa ni Comm. (Marcial) para maging aral kay Calvin at maging babala pa sa ibang player na mainitin ang ulo,” giit ni Marlon Magpusao sa FB. “Sana pagbalik niya magbago na siya.”

Sinusog ni Na Than na tama lang din ang walang katiyakang tagal na suspendido para magtanda na aniya si Abueva na hinihinala pa niyang may tama na rin sa utak.

“Dapat i-ban na yang g*!@ Yan for life masamang ehemplo sa mga batang mahilig manood ng basketball. Isip-isip pa Marcial,” reaksyon ni Joey Alfaro dela Cruz.

Paskil naman ni Julius Tallada: “Nice decision, para magtanda at di pamarisan ng ibang mga player na manakit ng kapwa nila player.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?