184

Mga netizen nawindang! Mimiyuuuh nasa Waze na

Paniguradong good vibes agad ang mga motorista sa boses ng sikat na Youtuber na si Mimiyuuuh.

Nailagay na sa Waze ang signature na boses ni Mimiyuuuh, na naging tanyag sa kanyang kulot na pronunciation at iba iba pang expression tulad ng ‘Skrrt!’ at ‘hey guys, it’s your gurl’.

Si Mimiyuuuh ang ikalawang local personality na naging boses sa Waze, nitong nagdaang buwan lang ay nakasama na rin si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa traffic app.

Dahil dito, instant trending sa Twitter ang mga sumusubok gamitin ang boses ni Mimiyuuuh sa app.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?