Trending ang fortune teller na si Rudy Baldwin dahil sa mga prediksyon niya sa Taal Volcano at sa lalawigan ng Batangas.
Ayon sa social media post ni Baldwin, isang malakas na lindol ang nakikita niyang magaganap at malala ang impact nito dahil mararamdaman ito hanggang sa Cavite at Laguna.
“Hindi ko kayo lahat tinatakot ngunit sa vision ko ang Taal ay bumuga ng lava mas malala ang pag-eruption niya kesa nakaraan,” saad ni Baldwin.
“Nakikita ko ang mas malala pang pagsabog ng Taal dahil sa apoy na nakikita ko. Sa karagatan ng Batangas nakikita ko ang paglapit ng mga lamandagat sa dalampasigan. Hindi ko makita ang tsunami sa pagyanig ng dagat ngunit ang bulkang Taal ay naulit ang paggising. Ang pagbuo ng sea tornado sa ibabaw at ilalim ng dagat ay hindi ko halos kayang pagmasdan,” dagdag niya.
Kaya naman nanawagan siya na manalangin ang lahat na huwag matuloy ang kanyang vision.
“Walang imposible sa panalangin. Tawagin natin nang sabay-sabay ang Diyos upang lahat ng nasa vision ko ay huwag mangyari at ibigay na ang katahimikan ng bulkang Taal. Iwasan n’yo muna ang pag-akyat sa bundok at paglayag sa dagat dahil ito ay mangyayari nang biglaan,” wika pa ni Baldwin.
Narito ang mga reaksyon ng ilang netizen:
ako'y nangingilabot sa vision ni Rudy Baldwin about sa Batangas. Gabayan nyo po kami,Lord!?? pic.twitter.com/OiigCdu8KM
— ec (@danelaverdaddro) September 25, 2020
Rudy baldwin vision is something you shouldn’t be scared of . Just keep on praying ?? God is more powerful than evil ??
— Aceace595 (@yesdatsmee) September 25, 2020
God is powerful, ka kilabot prediction ni rudy baldwin.
— สารวัตร (@Krishaano) September 25, 2020
https://twitter.com/mj_bananas/status/1309427300300013705
creepy vision of Rudy Baldwin, not again taal volcano ?
— hera (@wifeyniazi) September 25, 2020
Rudy Baldwin's vision about Batangas really scares me. ? God, please guide us. ??
— ??❣️ChamieYU❣️?? (@Meili022915) September 25, 2020
rudy baldwin's prediction abt batangas is creeping me out! let's all pray.
— alvin (@alvsgermanes) September 25, 2020