179

Sep 29, 2020 @ 9:08

Mga netizen namaalam kay Duterte

Trending ngayon sa Twitter PH ang hashtag na “Paalam Duterte”.

Tumugon kasi ang ilang netizen sa pahayag kagabi ni Pangulong Rodrigo Dutere na “I offered to resign as president kasi nagsasawa na ako [sa korapsiyon].”

Sinabi rin niyang sa tagal niyang nagtatrabaho public official, napatunayan niyang “wala nang katapusan itong corruption.”

Pabor ang ilang netizen at sinabing gusto na nilang mapalitan ang Pangulo.

May ilan namang nainis at pinatitigil ang pag-tweet ng nasabing hashtag na anila’y “disrespectful” kay Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: