224

Jan 10, 2020 @ 13:16
By

Mga netizen naloka! ‘Galunggong P300K kada kilo’

Hindi pinalampas ng mga netizen ang isang tweet ng radio station DZBB kung saan sinabing ₱300,000 na ang halaga ng kada kilo ng isdang galunggong.

Sa Reddit thread na may title na “Ayokong mamalengke dyan,” pinost ni user hpog ang screenshot ng nasabing tweet ng DZBB nitong alas-6:47 ng umaga, Enero 10, 2020.

Nakalagay sa caption: “Presyo ng galunggong sa Agora Market sa San Juan City, pumalo na sa ₱300,000 kada kilo.”

Agad na nagkomento ang mga netizen.

“May makikita ka yatang ginto sa loob ng isda pag ganyan ang presyuhan,” ani Anokata08.

“Parang news somewhere in the future,” sabi ni mabuhok.

“Galunggold na,” wika naman ni inky_eunice.

Sa ngayon, burado na ang nasabing tweet, at pinalitan nitong alas-7:11 ng umaga ng caption na may presyong “300 kada kilo.”

Ayon naman kay netizen @choy_loves, bibili na siya ng nasabing isda dahil ang “laki na ng binaba” at “bargain na to.” Nilakip niya ang screenshot ng naunang ulat ng DZBB.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?