79

By

Mga netizen naiyak, nasaktan sa kabiguan ng UP

Malungkot ang mga fan sa pagkatalo ng UP Fighting Maroons kahapon sa stepladder semifinals Game 2 kontra UST Growling Tigers, 68-65, na ginanap sa MOA Arena.

Ibinuhos ng mga solid UP fan ang kanilang pagkadismaya sa social media.

Sabi ni @TSOLKS, “araw kasaket UP,” habang si @itsmeelaine, sinabing “UPMBT fell short. But still so proud of them. UP Fight pa rin!”

Super lungkot din si @itsYanivers, “walang tigil ang luha na lumalabas sa aking mga mata ngunit, hanggang dulo ang pagmamahal ko sa inyo walang magiiba sa inyo UP,” samantalang hurt naman si @leighxshay, “aray naman UP HAHAHAHAHA.”

Ganito rin ang sentimyento ni @kaelatiff, “UP made me cry..it was a very, very great game! We’ve come up short but we will come back stronger and better next season. Well done #UPFight.”

Pahabol naman ni @aisvillaraza, “alat olats UP.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?