178

Jul 20, 2021 @ 15:44
By

Mga netizen nainis! James Deakin sumawsaw sa pambabastos ng anak ni Oca Orbos

Hindi nagustuhan ng ilang netizen ang pagtatanggol ng transport vlogger at TV host na si James Deakin sa ginawang pagwawala ni Franz Luke Orbos.

Sa Facebook post ni Deakin, nanawagan ito na huwag i-bash ng mga netizen ang pamilya ni Orbos dahil sa ginawang pagmumura nito at pagyayabang sa mga miyembro ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB).

Si Franz ay anak ng dating Pangasinan governor na si Oscar Orbos, at pamangkin din ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Tim Orbos.

Depensa ni Deakin, hindi dapat idamay ang buong pamilya Orbos, kung saan sinabi niya na mabuting tao sina Tim na kanyang nakatrabaho dati.

“They are good people and must be hurting tremendously from this and don’t deserve the humiliation on social media,” sambit ni Deakin.

Ilang mga netizen ang hindi natuwa sa pagtatanggol ng kilalang vlogger, sinabi na hindi dapat palampasin si Orbos dahil lang nag-sorry na ito.

“Madali lang magtype sa keyboard ng apology letter. I wonder how he sounds kung sa personal yan. Besides, magsorry din sya sa mga hinamon nya na pulis and enforcers!” sambit ng isang netizen.

“Kung walang video yan, hindi aasta or even magpakumbaba yan.. na-videohan lang kasi kaya nagsisi,” paniwala pa ng isang Facebook user.

“Don’t believe his crappy apology. Yung ganung ka arogante magsalita eh natural na arogante,” banat pa ng netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?