114

Mar 21, 2020 @ 16:40
By

Mga netizen nagluksa sa pagpanaw ni Kenny Rogers

Bumaha ng crying emoji sa social media matapos pumutok ang balitang sumakabilang-buhay na ang music legend na si Kenny Rogers.

Si Rogers ang nagpasikat ng mga awiting “Lady”, “Through the Years” at “Islands in the Stream”.

Pumanaw siya sa edad na 81 dahil sa “natural causes” noong gabi ng Marso 20, ayon kanyang pamilya sa Twitter.

Top trend sa Twitter Philippines ang #RIP Legend dahil sa pakikiramay ng mga netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?