24

Mar 2, 2021 @ 21:20
By

Mga netizen nagkagulo sa Alden-Bea movie

Dinumog ng mga netizen sa Twitter Philippines ang mga hashtag na “BestActress BEA ALONZO” at “OurBestActor ALDEN RICHARDS”.

Ito ay matapos ianunsyo ang kauna-unahang pagsasama nina Alden Richards at Bea Alonzo sa pelikula.

Kinumpirma ito sa “24 Oras” report nitong Martes.

Tatlong bigating movie outfits ang magsasanib sa proyekto na GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment.

Ayon sa ulat, magtatambal sina Alden at Bea sa Philippine version ng 2004 Korean movie na “A Moment to Remember”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?