72

By

Mga netizen nagdadasal para kay Fumiya

Nagsama-samang nagdasal ang madla para sa ikatatagumpay ng operasyon kay dating “Pinoy Big Brother: Otso” housemate Fumiya Sankai.

Nakatakdang operahan sa Japan si Fumiya matapos makitaan ng butas ang kanyang baga.

“My lungs has butas. Kanina I was talking with doctor and then he said I have a hole. That’s why they will cut my lungs then they will remove the butas from my lungs,” kuwento ni Sankai sa kanyang vlog noong Dec. 10.

“Actually one sad thing kasi the left side also mayroong something that’s why mayroong possibility (din) in my left lung. That’s why (I’m) sad. Bakit my lungs is like that talaga? Pero now I will focus sa operation on the right side,” dagdag pa niya.

Sa update naman ng mga nagmamahal kay Sankai nitong Miyerkoles, naging matagumpay umano ang operasyon dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?