12

Sep 2, 2020 @ 21:34

Mga netizen nabanas sa Varsitarian

Tinalakan ng mga netizen ang `breaking news’ ng UST publication na The Varsitarian hinggil sa pag-ulat na hindi nakaiskor ang umalis na Growling Tiger na si Jun Asuncion para tumalon sa Mapua University Cardinals.

“Breaking: Growling Tiger Jun Asuncion has transferred to Mapúa University, source says. Asuncion played a total of three minutes and 19 seconds during the elimination round of Season 82, where he went scoreless and grabbed one rebound. Asuncion had a 20-point outing in a 53-point UST victory in the PBA D-League last March,” nilathala ng publikasyon nitong Miyertkoles.

@ChelseaGalicinao: “Bakit ganyan caption niyo nakakabastos naman amp.”

Hirit ni @GenevaValemo: “Bakit ganyan caption nyo? Ang bitter.” (Aivan Denzel Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?