97

Aug 19, 2020 @ 20:27
By

Mga netizen nabahala: Sinkhole sumulpot matapos ang Masbate lindol

Maraming netizen ang naalarma matapos mag-viral ang mga larawan ng malaking sinkhole na bigla na lang sumulpot sa karagatan sa Brgy. Casabangan, Pio V. Corpuz, Masbate matapos ang malakas na lindol sa lalawigan.

Noong Martes niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang lalawigan, kinabukasan ay napansin ng mga residente sa nabanggit na barangay ang sinkhole o parte ng lupa na lumubog.

Nakatakda na raw itong imbestigahan ng Mines and Geosciences Bureau at iba pang ahensiya, ayon sa Philippine Information Agency Region 5.

https://www.facebook.com/PIAROV/posts/2801711826726383

Narito ang reaksyon ng ilan netizen:

“Manalig po tayong lhat sa Panginoon siya lng po ang nag-iisang tagapaglistas ng sanlibutan. Ingat po kayong lahat jan sa masbate.”

“Ingat po lalo na yung mga pumapalaot, iwasan ang nasabing sinkhole, maaring ikapahamak ang mapalapit, hihigupin po kayo pailalim.”

“After earthquake, ngayon sinkhole naman. 2020 is really testing us.”

“Yung sinasabi na sinkhole is yung spot na may brown discoloration sa tubig dagat na nasa photos.”

“Wag po sana mapahamak ang mga residente diyan, Paginoon namin!”

“Pray na lang po tayo… sana po ligtas ang lahat dyan…”

“Parang umangat ung seabed.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?