144

By ,

Mga netizen naasar sa madulas na court sa PBA game sa Batangas

Iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang naglitawan matapos lumabas ang balita sa madulas na playing court na pinaglaruan ng PBA Linggo ng gabi sa Batangas City Coliseum.

Sa balita ng Spin.ph, ilang manlalaro na ang nadulas sa Batangas City Coliseum at sa second game ay muntikan nang ipatigil ni Commissioner Willie Marcial kung may madudulas pa ulit.

“May isa pang madulas na player puwedeng itigil na yung laro,” ayon kay Marcial.

Nagsulputan agad ang mga netizen at kanya-kanyang bigay ng mga opinyon sa nasabing balita.

“Mahal n mahal m ang smb corp kume ah…samantalang ung first game knina nd m naisip yan…wala ng naniniwala sayo kume..haha,” sabi ni Erwin Amoranto sa Facebook.

Banat naman na ni Von Doldolea, dapat aniya sinuri muna ng PBA ang lahat ng facilities ang isang venue bago magsimula ng laro lalo na kapag out-of-town.

“Hindi naman kaya ng kanilang AIRCON UNITS na palamigin ang isang venue para sa fullhouse crowd, sa init ba naman todo talaga pawis ng players at lahat ng tao inside the playing court, kaya laging basa ang flooring, dapat IKUNSIDERA ng pba ang mga bagay na yan bago mag palaro sa probinxa, para sa safety ng players at para hindi na maulit ung nangyari kagabi,” sabi nito.

Maging sa Twitter ay nagsulputan din ang reklamo mula sa mga netizen, ayon kay Melkcas Trabel (@TrabelMelkcas); “Bakit palyado ba mga aircon units ng court jan sa Batangas? Dapat nag advance party ang PBA to check the temperature inside the venue. Next time hah just do it. Simpleng problema sana yan.kung madiskarte kayo taga PBA!”

Banat naman ni Neo Orcine (@nino_orcine); “Medyo Unsafe na, Dapat yung mga Venue na mangiinbita unahin yung proper ventilation and air conditioning taas ng Humid Ginebra Game pa!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?