285

Jun 16, 2020 @ 18:29
By

Mga netizen na-shock sa gender ni Jollibee

Hot topic sa Twitter nitong Martes ang tunay na kasarian ni Jollibee.

Nagsimula ito sa pagkakadiskubre ng isang Twitter user na si Reg Quiambao sa gender ni Jollibee na isa raw pa lang babae.

“So we’ve been shipping hetty the spaghetti and jollibee since idk only to find out that jollibee is a…

#LoveWins,” caption ni Quiambao sa mga screenshot ng tila official page ng Jollibee Philippines kung saan nakalagay na “female” ang gender ni Jollibee.

Dalawang taon na ang nakalipas mula nang kumalat ang tweet ni Quiambao pero muli itong pinag-usapan ng mga netizen ngayong June 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?