514

Jul 18, 2021 @ 16:35
By

Mga netizen na nagsabi! Kisses bagay sa Miss Universe PH

Maraming fan ang tumutulak kay Kisses Delavin para sumabak sa Miss Universe Philippines 2021.

Ito’y dahil sa usap-usapan ng ilang pageant community na posibleng sumali ang aktres sa naturang beauty pageant.

Kaya naman instant trending ang pangalan ni Kisses dahil sa dami ng supporter na naniniwalang bagay ang dalaga sa pinakamalaking pageant sa bansa.

Hindi na bago sa pageant si Kisses, dati nang naging Miss Teen Masbate noong 2013 bago sumabak sa Pinoy Big Brother.

Ngayong Linggo ang huling araw ng interview para sa mga aplikanteng gustong sumali sa Miss Universe PH.

Bukas naman ia-announce ang Top 100 na sasabak sa virtual challenge bago ang coronation night sa September.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?