329

Feb 29, 2020 @ 17:19
By

Mga netizen kinilig! Sarah hatid-sundo na ni Matteo

Mahigit isang linggo matapos ang kanilang kasal, dedicated husband ang peg ni Matteo Guidicelli sa kanyang misis na si Sarah Geronimo.

Sa Instagram post ng @sgpopstarroyalty, hatid sundo ni Matteo si Sarah sa taping ng “The Voice Teens”.

Siyempre pa at sinuklian daw ito ni Sarah dahil hinatid naman nito si Matteo sa shoot nito para sa isang product endorsement.

Todo kilig tuloy ang mga fan sa buhay mag-asawa ng dalawa.

“Naiyak ako. Hatid sundo na si misis ni mister. Surreal pa rin sa pakiramdam. Masasanay ka rin self,” sabi sa post.

“Hinatid din pala ni misis si mister sa endorsement shoot niya kanina. Eh, kasi nga iisang 🚗 nalang sila. Ayeeh!” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?