57

Jul 23, 2020 @ 17:54
By

Mga netizen kinilig sa titigan nina Alden, Bea

Kinilig ang mga netizen nang mag-post si Alden Richards ng larawan kasama si Bea Alonzo.

Matapos ang successful team-up nina Kathryn Bernardo at Alden, gusto naman ng mga fan na makatambal ng pambansang bae si Bea sa movie.

Nag-post si Alden ng behind-the-scene photo ng kanilang TV commercial ni Bea, na napuno ng “kilig” comments.

“Sino kayang mananalo sa staring contest na to?” caption ni Alden.

Nag-reply dito si Bea ng, “Me!!” na kinakilig ng mga follower ni Alden.

“Alden and bea movie plssssss,” sey ni mika.ellaa.

“@beaalonzo bat kinilig ako bea!!!” react ni iamtonigocruz.

“@beaalonzo ayiiiiieeee kilig ako movie na please,” sabi naman ni starlet_32.

https://www.instagram.com/p/CC0pP4kJSd9/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?