37

Sep 20, 2020 @ 21:09
By

Mga netizen kinilig sa reunion nina Brad Pitt, Jennifer Aniston

Sumabog sa kilig ang social media matapos na muling magkita kahit sa video conference lang sina Brad Pitt at Jennifer Aniston.

Nag-trending ang dating mag-asawa nang mapasama sila sa table read ng 1980s movie na ‘Fast Times at Ridgemont High’.

Kasama din sa naturang event sina Shia LaBeouf, John Legend, Morgan Freeman at Julia Roberts.

Kinasal sila noong 2000 ngunit naghiwalay din limang taon ang nakararaan, ngunit naging maayos ang hiwalayan ng dalawa at nanatiling magkaibigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?