61

Aug 2, 2020 @ 15:46
By

Mga netizen kinilig kina Chiz, Heart

Pinusuan ang mga netizen ang panibagong Facebook post ni Heart Evangelista kung saan makikita kung gaano ka-sweet ang kanyang mister na si Chiz Escudero.

Makikita sa larawan kung saan buhat-buhat ni Chiz ang kanyang misis habang nakatayo sa putikang lupa.

Maraming netizen ang nakapansin sa pagiging maginoo ng Sorsogon governor sa kanyang asawa.

” Love the sweetness and playful moment,” sey ng isang commenter.

“Rare photo of Heart being a baby to Chiz,” ayon pa sa isang netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?