296

Nov 7, 2019 @ 15:12
By

Mga netizen kay Locsin: Ok boomer

Tinadtad ng katagang “Ok boomer” si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin dahil sa bago nitong banat laban kay Inquirer reporter Jhesset Enano.

Ayon sa dictionary.com, ang “Ok, boomer” ay isang ironic slang para balewalain ang mga close-minded na opinion ng baby boomer generation at, in general, matatandang netizen laban sa mas batang henerasyon, gaya ng millennial at Gen Z.

Matatandaang minura ni Locsin si Enano nang ibalita nito ang pag-skip ni Pangulong Rodrigo Duterte at paghalili ni Locsin sa closing ceremony ng ASEAN summit.

Sa tweet ng kalihim, sinabi niyang magso-sorry lang siya sa journalist kapag nag-sorry ito at ang Inquirer sa mga “slander” at “slanted stories” nila tungkol kay Duterte.

Hindi natuwa ang mga netizen sa pahayag ni Locsin, kaya inulan ito ng sarcastic na katagang “Ok boomer.”

Meron pang pinatatahimik ang “boomer,” at may tumawag pa sa kalihim na “tanders” o matanda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?