159
7-Eleven, iba pang convenience store mapagsamantala - Marcos
Sep 20, 2019 @ 16:57
By

Mga netizen kay Imee Marcos: Sinungaling!

Binatikos ng ilang netizen ang pag-iiba ng tono ni Senadora Imee Marcos nang sabihin niyang dapat bigyan sila ng tyansang ikwento ang pananaw nila tungkol sa Batas Militar ng kanyang tatay at diktador na si Ferdinand Marcos.

Pabor kasi ito na ituturo ang Batas Militar bilang general education subject sa University of the Philippines – Diliman.

“It’s good that it’s being studied. I hope we will be given the chance to say what we believe happened. That is what’s important, that each of us share our viewpoint and that each of us be heard,” ani senadora.

Kaiba ito sa dating tugon ni Imee sa isang panayam kay Karen Davila sa ANC noong Nobyembre 10, 2016 kung saan hindi umano aamin si Marcos na guilty sila sa mga kamalian ng batas militar.

“‘Yung admission of guilt, unang-una ang liit-liit ko noon. Paano ko ia-admit, hindi ko naman alam?,” saad niya.

Una nang kinontra ng Ang Lagalag sa Facebook ang pahayag na ito ni Imee, at inulit na taong 1955 ito isinilang.


Ngayong 2019, pinaalala muli sa Twitter ng netizen at history teacher na si Diego Magallona ang pahayag na ito ni Imee kalakip ang video ng Silent No More PH.

“bringing this back to remind everyone that Imee Marcos is not only a thief and a murderer, but also a liar,” aniya.


Sumang-ayon naman ang mga netizen.

“imee marcos. anong ang liit-liit mo pa non eh mukha ka nang gurang nung time ng martial law?,” ani @lemongrill_.

“@ManangImee sis, 29 years old pero ang liit liit pa lang, no? hekhek (emoji: nag-iisip na mukha),” sey ni @anbilibabol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?