179

Sep 12, 2021 @ 12:21
By

Mga netizen inggit! Kisses P1K baon per day

Napa-“sana all” na lang ang mga estudyante matapos may ibuking si Kisses Delavin sa kanyang naging buhay kolehiyala.

Sa isa kasing ekslusibong panayam ni Boy Abunda sa Miss Universe Philippines aspirant, sinabi ng aktres na P1,000 kada araw ang baon niya noong nag-aaral pa siya sa De La Salle University-Manila.

Aniya, kahit malaki ang baon niya ay tinitipid niya ito dahil bata pa lamang siya ay natuto na siyang magpahalaga sa pera.

“As a child I really valued money, I’m not kuripot pero I’m careful with how much I spent and here in Manila you can just go to the mall and 1000 is gone,” anang “Lozolista.”

Sambit niya, sa P1,000 na allowance niya per day, tanging P100 lang ang ginagastos niya na swak na pangtawid sa isang linggo.

“So sina mommy and daddy pinababaunan ako ng 1000 per day as La Salle pero I think I would spent mga 100 one week na yun because I always eat at home,” kwento niya.

Halo-halo naman ang naging rekasyon ng mga netizen dito.

Ma An: “Yung mas malaki pa baon ni Kisses sa sahod mo 🤣”

Christine Zata: “Sana ako din 1k😂”

Sheca Fauci: “Imagine rich kid ka pero hindi spoiled at di materialistic at hindi nag take advantage sa pera ng magulang. Mabuhay ka Kisses!”

Vince Solis: “Ako nga noon hotdog lang baon ko, pero ngayon hotdog na bumabaon saken”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?