1,606
Mga netizen inalmahan ang ‘racist’ ad ng Glutamax
By

Mga netizen inalmahan ang ‘racist’ ad ng Glutamax

Maraming netizen ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya at galit sa uri ng advertisement na ginawa ng Glutamax.

Makikita sa Facebook page ng naturang brand ng whitening product ang iba’t ibang #Unfairdiba stories kung saan ay ikinukwento kung paano naging unfair ang pagkakaroon ng maputing balat ng ilan at ang solusyon umano upang maiwasan na maranasan ang hindi patas na pagtrato sa isang tao dahil sa brown o maitim nitong kutis ay ang magpaputi gamit ang Glutamax.

Ikinagalit ng mga netizen ang naturang paraan ng whitening product.

Anila, ito ay isang uri ng racism at imbes umano na i-promote ng mga ito ang ‘equality’ sa kabila ng anumang kulay ng balat ay iginiit pa nito na para lamang sa mga mapuputi ang ‘better treatment’.

Maging ang direktor na si Kip Oebanda ay nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya sa colonial mentality na ipinakita ng Glutamax.

Baha na rin sa social media ang iba’t ibang komento ng mga netizen hinggil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?