565

By

Mga netizen galit sa aksiyon ng PNP sa kaso ni Imelda Marcos

Sharing is caring!

Simula nang lumabas ang desisyon ng Sandiganbayan na guilty si dating first lady at kasalukuyang Ilocos Norte 2nd District Representative Imelda Marcos sa pitong bilang ng graft na isinampa laban sa kanya, marami ang nagpahayag ng kanilang katuwaan.

Agad tanong ng mga netizen sa social media, kailan ikukulong si Imelda?

Ngunit marami ang dismayado sa lumabas na pahayag ng Philippine National Police na iiwasan nitong posasan ang dating unang ginang.

Ayon pa sa pahayag ni PNP Director General Oscar Albayalde sa isang panayam, ikukonsidera nila ang edad at kasarian ng kanilang huhulihin.

“Kung medyo may edad na, mga babae, hindi na po natin naman na kailangan pinoposasan lalo na kung wala namang history of violence,” sabi pa ni Albayalde.

Dito umani ng maraming komento at batikos mula sa mga netizen ang isyu ng paghuli sa akusadong Marcos.

Ilan na dito ang pagkukumpara kay Imelda Marcos sa isang matandang hinuli ng pulisya dahil sa akusasyon ng parricide.

Mayroon pang netizen ang nakaalala sa isang dokumentaryo, tungkol sa matanda na nakulong dahil sa kaso ng pamemeke ng dokumento.

Sigaw pa ng netizen ang #ImeldaIselda.

Ang isang netizen naman, bukod sa hindi pa pag-aresto kay Imelda Marcos ay kinonekta ang pagtatanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo sa nasabing isyu.

“Gising Pilipinas! Gising!” diin pa ng netizen.

Siyempre, hindi rin mawawala ang mga pa-witty meme ng ibang netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?