238

Jan 9, 2022 @ 18:35
By

Mga netizen duda sa ‘sakit’ ni Marcos Jr.

Pinagdududahan ngayon ng mga netizen kung totoo na mayroong sakit si presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., kaya hindi ito nakadalo sa preliminary hearing ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng mga petisyon na nagpapatanggal sa kanya sa presidential race.

Batay sa medical record na isinumite ng kampo ni Marcos sa Comelec noong Enero 7, nakakaranas ito ng pananakit ng katawan at hirap sa pagsasalita.

Ang medical observation ay batay umano sa nakita ng doktor na sumuri sa kanya noong Enero 6 bandang alas-10 ng umaga.

Pero alas-4:45 ng hapon ng kaparehong araw ay nagpa-interview si Marcos sa radio program na Partners Punto Derecho sa DZME 1530 khz.

Kinabukasan ng alas-9 ng umaga sinabi ng kampo ni Marcos sa Comelec na hindi ito makadadalo matapos ma-expose sa mga taong positibo sa COVID-19 at nakararanas ng pananakit ng katawan at lalamunan.

Kahit sa pamamagitan ng online video conferencing ay hindi dumalo si Marcos.

Sa isang Twitter post sinabi ni @iamkulasparov na “Anong hobby ni Jr? Magsinungaling! Pathological liar ang walanghiya. Minsan ang sinungaling hindi kapatid ng magnanakaw. Minsan iisang tao lang sila.”

Ayon naman kay @oklengbuleng24: “Certified talaga!!! NAPAKASINUNGALING, anong klaseng presidente eto pag nanalo??? Ngayon pa nga lang, napakagaling na manloko pano na pag nakaupo na?”

Post naman ni @_tering: “The only thing na consistent kay Marcos, is consistent siya mag sinungaling. #DisqualifyMarcos #DisqualifyBBM.”

Hinimok naman ni Abigail75710123 si Comelec Commissioner Rowena Guanzon na diskwalipikahin si Marcos. “Maam @rowena_guanzon paki DQ na c Dyunior ubod ng sinungaling. Takot lang kaya ayw humarap sa @COMELEC. Bigyan nyo na po yan ng leksyon. DQ na!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?