797

By

Mga netizen dinaan sa meme ang pagprotesta sa pagtatanggal ng Filipino sa kolehiyo

Sharing is caring!

Idinaan ng ilang netizen sa kanilang mga post ang pagprotesta sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema na pagtatanggal ng mga asignaturang Filipino at Panitikan bilang core subject sa kolehiyo.

Mayroon pang mga hugot line ang isang Twitter user, aniya:

Biro naman ng isa, nanginginig na marahil si Jose Rizal sa balitang ito.

Nagsalita din ng opinyon ang isa pang netizen at aniya, kahit fan siya ng Kpop ay hindi ito sang-ayon sa pagtatanggal ng Filipino sa kolehiyo.

Naglabas din ang saloobin ang mga guro sa Filipino sa iba’t ibang unibersidad at anila, dapat na nagkaroon ng public consultation at oral argument ang mataas na korte bago nagpalabas ng desisyon.

Ang desisyon ng Korte Suprema ay nakabatay umano sa pagbabagong ginawang memorandum ng Commission on Higher Education noong 2013 na nagsisiguro na walang duplikasyon ng mga asignatura sa elementary, high school at kolehiyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?